Rep. Monsour del Rosario, kinondena ang pamamaril sa staff ni dating Mayor Junjun Binay

Mariing kinondena ni Congressman Monsour del Rosario ang naganap na pamamaril kay Monaliza Bernardo na dating sekretarya ni dating Mayor Junjun Binay sa Barangay Olympia, Makati.

Ayon kay Del Rosario, tunay na nakakaalarma ang nangyaring insidente ng pamamaril sa bahay ni Bernardo ng ng hindi pa nakikilalang riding in tandem.

Nananawagan siya sa mga opisyal ng Makati at mga otoridad na gawin ang kanilang trabaho para masiguro ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan.

Dagdag pa niya marapat lamang na gawin ng mga opisyal at otoridad para maaresto ang mga salarin.

Sinabi rin ni Monsour na dapat maging mapagmatyag at maingat ang mga mamamayan para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Read more...