Pelikula nina Lea salonga at Eva Noblezada, opening film sa 35th Los Angeles Asian Pacific Film Fest

Mapapanood na ang pelikula na pinangungunahan ng Miss Saigon star na si Eva Noblezada at ng original Miss Saigon na si Ms. Lea Salonga.

Ang pelikulang “Yellow Rose” ang magiging opening film sa 35th Los Angeles Asian Pacific Film Festival (LAAPFF) sa May 2, 2019.

Gagawin ang screening sa Aratani Theatre na nasa Little Tokyo sa Los Angeles California.

Ang “Yellow Rose” ay sa direksyon ni Diane Paragas at tumatalakay sa pangarap ng isang Fil-American girl na nagnanais na maging country music star.

Bukod kay Salonga, kasama rin sa pelikula sina Liam Booth, Gustavo Gomez, Libby Villari, at Princess Punzalan.

Ang LAAPFF ay tatagal hanggang sa May 10, 2019.

Read more...