Sinisi rin ng kumpanya ang mga Facebook users dahil sa hindi agarang pag-report sa naturang video.
Tumanggap ng kritisismo ang Facebook dahil sa kabiguang i-take down ang video ng suspek habang namamaril sa mosque sa Christchurch City na tumagal ng ilang minuto.
Pagkatapos ng livestream ng suspek, maraming users sa iba’t ibang panig ng mundo ang nag-share pa ng kopya nito.
Ayon kay Facebook Vice President of Product Management Guy Rosen, umabot sa mahigit 800 na ibinahaging video ng pamamaril ang kanilang nai-block.
Aminado si Rosen na ang mga nasabing video na ibinahagi kalaunan ay parang nag-originate sa Facebook.
Na-view ng 4,000 beses ang video bago tuluyang mai-take down.
24 na oras matapos ang pag-atake ng suspek, sinabi ng Facebook na umabot na sa 1.2 million videos ang naialis nila.