K-pop star Jung Joon-young inaresto matapos umaming nag-record at nag-share ng sex videos

AP Photo

Inaresto ng mga otoridad ang K-pop star na si Jung Joon-young ilang oras matapos siyang umamin at humingi ng paumanhin sa pag-record at pagpapakalat ng sex videos.

Inamin ng singer-songwriter na siya mismo ay nag-record ng sex video at ipinakalat niya ito nang walang pahintulot mula sa kaniyang partners.

Ang video ng hindi bababa sa 10 babae ay kumalat sa mobile chat room noong 2015 at natuklasang kabilang sa tumanggap nito ang isa pang K-pop star na si Seungri ng Bigbang.

Inilabas ng Seoul Central District Court ang arrest warrant laban kay jung.

Noong nakaraang Linggo inanunsyo ni Jung ang pagreretiro na sa entertainment industry.

Read more...