Sa ikaapat na pagkakataon, Pangulong Duterte bibisita sa China

Sa ikaapat na pagkakataon muling bibisita sa China si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa susunod na buwan nakatakda ang pagpunta ng pangulo sa China.

Dadalo ang pangulo sa Second Belt and Road Forum for International Cooperation sa Abril.

Sinabi ng DFA na layunin ng pagdalo ng pangulo sa forum na buhayin ang ancient trading route sa pagitan ng Asya at Europa.

Ito na ang magiging ikaapat na biyahe ni Pangulong Duterte sa China sa loob ng nakalipas na halos tatlong taon.

Read more...