Water level ng La Mesa dam hindi nabawasan mula kahapon

Nanatili ang tubig sa La Mesa dam sa base sa water level nito kahapon.

Ayon sa PAGASA Hydro Meteorological Division, sa nakalipas na 24 na oras ay walang pinagbago ang water level sa dam.

Alas 6:00 ng umaga, nasa 68.62 meters ang antas tubig sa La Mesa dam.

Ganito rin ang water level ng dam kahapon ng umaga.

Samantala, ang water level naman sa Angat dam ay nasa 196.70 meters.

Mas mababa kumpara sa 197.11 meters kahapon.

Read more...