Ridge of HPA patuloy na nakaaapekto sa Luzon

Patuloy ang pag-iral ng ridge of High Pressure Area (HPA) sa Northern Luzon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, dahil sa naturang weather system ay makararanas ng generally fair weather sa halos kabuuan ng Luzon maliban sa Quezon, Aurora at Bicol Region.

Mainit na panahon ang mararanasan sa tatlong lalawigan ngunit posible ang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon o gabi.

Sa Eastern Visayas at buong Mindanao naman ay maalinsangan din ang panahon ngunit makararanas ng dagliang pulo-pulong mahihinang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sa Central at Western Visayas ay mainit ang panahon na may mababang tyansa ng pag-ulan.

Pinakamataas ang temperatura ngayong araw sa Tuguegarao na aabot sa 35 degrees Celsius.

Read more...