M3.5 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-2:42 ng madaling araw ng Biyernes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 39 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Burgos.

May lalim na 10 kilometro ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...