83 patay sa paglubog ng ferry sa Iraq

Patay ang hindi bababa sa 83 katao matapos lumubog ang isang ferry sa Tigris River sa city of Mosul, Iraq.

Ayon sa pinuno ng civil defense agency ng Mosul, karamihan sa mga pasahero ng ferry ay hindi marunong lumangoy.

Tinatayang nasa 200 katao ang sakay ng ferry at inaasahan pang tataas ang death toll.

Patungo sana sa isang tourist island ang ferry para sa selebrasyon ng Kurdish new year at Mother’s Day.

Nagpahayag ng kalungkutan si Prime Minister Adel Abdul Mahdi kaugnay ng pangyayari.

Ipinanawagan ng opisyal ang mabilisang pagkilos ng gobyerno para sa paghahanap ng iba pang nakaligtas sa trahedya at paggamot sa mga ito.

Ipinag-utos na rin ang imbestigasyon upang alamin kung sino ang responsable sa paglubog ng ferry.

Mataas ngayon ang tubig sa Tigris dahil sa pagkakatunaw ng niyebe mula sa mga bundok sa Turkey at naranasang rainy season.

Read more...