Permanent termination ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP, inanunsiyo ni Duterte

Opisyal nang ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-uusap ng gobyerno at Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa talumpati ng pangulo sa ika-122 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio Taguig, sinabi nito na hindi na niya tatanggapin ang anumang uri ng intervention o persuasion para isulong pa ang usaping pangkapayapaan.

“I am officially announcing permanent termination of our talks between our government and CPP. I’d like to announce I’m no longer entertaining any intervention or maybe persuasions in this democratic state of the Republic of the Philippines,” ayon kay Duterte.

Ayon sa pangulo, sa susunod na pangulo na lamang ng bansa makipag-usap ang CPP kung nais pa nilang isulong ang usaping pangkapayapaan.

“My sense is that you can maybe talk to the next president of this republic one day,” pahayag pa ng Punong Ehekutibo.

Noong araw ng Miyerkules, March 20,, nagpalabas ng liham ang pangulo na nagbubuwag sa government peace panel dahil sa hindi pag-usad ng peace talks sa CPP.

Read more...