Misuari di kakasuhan ng rebelyon kahit nagbanta ng gulo sa Mindanao

AFP PHOTO / MARK NAVALES

Hindi itinuturing ng Malacañang na inciting to rebellion ang banta ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na maglulunsad ng giyera ang kanilang hanay kung hindi maitutulak ang pederalismo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bilang dating propesor sa University of the Philippinea ay batid ni Misuari ang kanyang mga pananalita para hindi makasuhan.

Sinabi pa ni Panelo, na ginawa ni Misuari ang banta sa pangulo sa lebel ng pagkakaibigan lamang.

Malalim na aniya ang pagkakaibigan nina Pangulong Duterte at Misuari kung kaya hindi dapat na tanggapin ng literal ang mga banta ng pinuno ng MNLF.

Paniwala ni Panelo, hindi na kasing lakas noon ang MNLF dahil nahati na ito sa Moro Islamic Liberation front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Magugunitang sa pinagtibay na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay mas marami ang kinatawan ng MILF sa lupon kumpara sa MNLF.

Read more...