Xi Jinping kinasuhan ng dating Aquino administration officials sa ICC

Inquirer file photo

Kinasuhan ng mga dating opisyal ng Aquino administration si Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC).

Sa reklamong inihain nina dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, kanilang sinabi na katumbas ng crimes against humanity ang ginawang pagsakop ng China sa teritoryong sakop ng bansa.

Sinabi nina Del Rosario at Morales na isinampa nila ang kaso sa ngalan ng libo-libong mga Pinoy fishermen na inagawan ng China ng karapatan para mangisda sa West Philippine Sea.

“In implementing China’s systematic plan to take over the South China Sea, President Xi Jinping and other Chinese officials have committed crimes within the jurisdiction of the Court which involve massive, near permanent and devastating environmental damage across nations,’’ ayon sa inihain nilang reklamo sa ICC.

Gusto ng mga complainant na kaagad na aksiyunan ni Fatou Bensaouda, chief prosecutor ng ICC ang kanilang inihaing reklamo.

Dagdag pa nina Del Rosario at Morales, “The situation presented is both unique and relevant in that it presents one of the most massive, near permanent and devastating destruction of the environment in humanity’s history, which has not only adversely affected and injured myriad groups of vulnerable fishermen, but present and future generations of people across nations.’’

Sinabi rin ng nasabing mga dating opisyal ng pamahalaan na tanging ang ICC lamang ang makakapagbigay ng hustisya sa mga Filipino sa nasabing isyu dahil sa hindi pag-aksyon ng pamahalaan.

“We urge you to initiate a preliminary examination on this matter, if only so the Court can apprise itself of Chinese crimes committed not only against the Filipino people but also against people of other nations, which crimes are already known to the international community,’’ ayon pa sa kanilang sulat kay Bensouda.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Del Rosario na isinampa nila ang reklamo noong March 15 o dalawang araw makaraang kumalas ang bansa sa ICC bilang kasapi nito.

Laman rin ng kanilang reklamo ang detalye at larawan ng ginagawang pananakop ng China sa mga pinag-aagawang mga isla sa West Philippine Sea.

Read more...