NDF consultant hinuli sa Cavite dahil sa iligal na baril

Photo: Clarize Austria

Naaresto ang isang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP sa Imus, Cavite.

Kinilala ang inarestong peace consultant na si Renante Gamara, 61-anyos, dahil sa illegal possession of firearms at granada.

Ayon kay National Capital Region Police Office director Chief Supt. Guillermo Eleazar, nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings si Gamara sa Department of Justice o DOJ sa Maynila ngayong hapon.

Si Gamara ang ikalimang NDFP consultant na naaresto simula nang wakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiations noong December, 2017.

Batay naman sa ulat ng pulisya, kasamang naaresto nito si Arturo Joseph Balagat, isang retiradong pari mula sa Diocese of San Bernardino sa California, USA.

Si Balagat umano ang namumuno ng Social Concern Multipurpose Cooperative.

Ayon kay Eleazar, nahuli si Balagat sa bisa ng warrant of arrest sa bahagi ng Barangay Poblacion II-A bandang alas singko y medya, Miyerkules ng hapon.

Inilabas ang warrant of arrest ni Sta. Cruz Laguna branch 27 Judge Cynthia Marino-Ricablanca dahil sa kasong illegal possesion of firearms

Nakuha ng mga otoridad ang dalawang hand grenade, .9-mm caliber na baril, P90,000 na cash at ilang dokumento.

Read more...