Isang kilo ng shabu natuklasan sa isang abandonadong kotse sa Bulacan

Nakitaan ng isang kilong hinihinalang shabu ang abandonadong kulay itim na Daewoo na kotse na natagpuan kaninang umaga sa kahabaan ng bypass road sa Barangay Camachilihan sa bayan ng Bustos, Bulacan.

Sa impormasyon ang pinarating sa Bustos MPS na may iniwang kotse sa bypass road na agad naman pinuntahan ng Bulacan PNP sa pangunguna ni Chief Insp. Ronie Pascua, hepe ng Bustos police.

Dito nakita ang isang Daewoo Car na kulay black na may plate number XKP 622 na nakaparada sa bypass road.

Matapos usisain ng mga otoridad ay tumambad sa kanila ang nasa isang kilong shabu na sinasabing kabilang sa unang mga nakumpiskang high grade na shabu ng PDEA sa Muntinlupa City nitong Martes ng gabi.

Read more...