Westlife magco-concert sa Pilipinas

Wilbros Live Photo
Siguradong matutuwa ang mga 90s music fans.

Darating kasi sa bansa ang tanyag na Boyband noong 90s na Westlife para sa isang concert.

Sa anunsyo ng Wilbros Live, sa July 30, 2019 magaganap ang concert ng Westlife sa Araneta Coliseum.

Bahagi ito ng “The Twenty Tour” ng grupo.

Sa March 30 magsisimula ang bentahan ng ticket para sa naturang concert.

Kabilang sa mga pinasikat na kanta ng Westlife noong 90s ang “If I Let You Go”, “Flying Without Wings”, “I Lay My Love on You”, “Foll Again”, “My Love” at iba pa.

Read more...