
Ayon kay PNP spokespman Sr. Supt. Bernanrd Banac, sa isinagawa nilang 350,663 checkpoint operations sa buong bansa, umabot na sa 3,105 ang nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban.
Kabilang dito ang 2,924 na sibilyan, 32 PNP personnel, 44 na elected officials at 52 security guards.
Ang mga pulis na naaresto sa mga checkpoints ayon kay Banac ay mahaharap sa administrave cases.
Ayon kay Banac, mula nang umiral ang election period at nagpatupad ng mahigpit na checkpoints ang PNP, nakakumpiska na na sila ng 2,603 na mga baril at 22,930 na iba pang uri ng deadly weapons.
READ NEXT

Bahagi ng North Avenue patungong EDSA isasara sa mga motorista mamayang gabi hanggang bukas
MOST READ
LATEST STORIES