Bahagi ng North Avenue patungong EDSA isasara sa mga motorista mamayang gabi hanggang bukas

Isasara sa mga motorista ang linya ng North Avenue na patungo ng EDSA simula mamayang (Mar. 21) gabi.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) – Metro Rail Transit 7 (MRT – 7) Project Traffic Management Task Frorce, mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga bukas, March 22 ang pagsasara.

Apektado ang North Avenue mula Elliptical Road hanggang sa Mindanao Avenue.

Ito ay para bigyang-daan ang gagawing relocation ng Meralco sa kanilang power lines na naapektuhan ng MRT-7 project.

Pinayuhan ang mga motoristang patungo ng EDSA na sa Quezon Avenue na lamang dumaan.

Ang mga sasakyan naman na patungo sa Veterans Memorial Medical Center ay maaring dumaan ng Quezon Avenue, kumanan sa Agham Road patungong North Avenue.

Read more...