Ikaapat na suspek sa gang rape sa dalagita sa Maynila arestado

Naaresto ang ikaapat na suspek sa umano’y pag-gang rape sa isang 16-anyos na dalagita sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si John Michael Carmelo, 19 anyos, na sinasabing pinakahuli sa tatlong nanggahasa sa biktima.

Naaresto si Carmelo sa follow-up operation na isinagawa ng Don Bosco Police kung saan pinuntahan ito sa kanyang bahay.

Magugunitang matapos makipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan ay naganap ang krimen.

Ayon sa pulisya, modus ng grupo ang makipagkaibigan sa babae, ayain itong makipag-inuman, lagyan ng valium ang inumin nito saka gagawin ang panggagahasa.

Lumalabas din sa imbestigasyon na vinideohan pa ng mga lalaki ang ginawang pag-gang rape sa 16 anyos na dalagita.

Patuloy na pinaghahanap ang tatlong iba pa kabilang si alyas ‘Tado’ na umano’y unang nanggahasa sa dalagita.

Read more...