Davao del Sur isinailalim sa state of calamity dahil sa tagtuyot

Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Davao del Sur dahil sa epekto ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa Provincial Agriculture Office, umabot na sa P212.6 milyon ang pinsala ng tagtuyot kung saan apektado ang nasa 7,600 magsasaka.

Sinabi ni Provincial Agriculturist Raul Fuenconcillo na pinakaapektado ng tagtuyot ang mga bayan ng Matanao, Bansalan, Hagonoy, Magsaysay, at Kiblawan.

Ani Fuenconcillo, may mga sakahan sa Matanao na hindi na mapakinabangan dahil kapag nagtatanim ang mga magsasaka ay namamatay ang ipinupunla dahil sa sobrang init.

Kasulukuyang tinatrabaho ng Provincial Agriculture Office ang pagbili sa backyard seedlings bilang panunang tulong sa mga apektadong magsasaka.

Read more...