M3.4 na lindol naitala sa Ilocos Norte

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Ilocos Norte alas-2:58 ng madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong Hilagang-Kanluran ng bayan ng Burgos.

May lalim itong 29 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...