Drug surrenderee timbog sa pagbebenta ng droga sa Quezon City

Contributed photo

Arestado ang isang dating drug surrenderee sa buy bust operation ng pulisya sa harapan ng Cubao Elementary School sa Cubao, Quezon City, madaling araw ng Huwebes.

Nakilala ang suspek na si Franz Doanne Bernardino na dati nang sumuko sa Brgy. E. Rodriguez.Positibong nakabili ng droga ang mga elemento ng Cubao Police kay Bernardino dahilan para arestuhin ito.

Narekober mula sa kanya ang pitong sachet ng hinihinalang shabu, P500 na buy bust money at isang cellphone.

Tinatayang nasa P3,500 ang halaga ng shabu na nakuha mula sa suspek.

Mahaharap ito ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...