Duterte: Karamihan ng mga nakaupong Senador hindi nararapat sa Senado

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Senador na nakaupo sa puwesto ngayon.

Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Marikina City, sinabi nito na karamihan sa mga nakaupong Senador ngayon ang hindi nararapat sa puwesto.

Ayon sa Pangulo, may isang babae sa Senado ang sarcastic at wala namang utak.

“Diyan sa Senado… there are a lot of those there who should not be there…And there is one lady who is eternally sarcastic. Wala namang utak,” pahayag ng Pangulo.

Panay aniya ang batikos ng babaeng Senador nang hindi man lang kumukunsulta muna sa kanyang abogado.

Puro blunder aniya ang ginagawa ng babaeng Senador.

Nagmamarunong at aktibista aniya ang Senadora na puro ingay lang naman umano ang ginawa.

“And every time she talks, she does not consult a lawyer. She commits blunder all the way. Parang nagmamarunong na aktibista na wala namang laman at walang ginawa. Iyong mga ganun, maingay,” dagdag ni Duterte.

Gayunman hindi tinukoy ng Pangulo kung sino ang babaeng Senador.

Read more...