Worm moon, nagliwanag sa kalangitan

Kuha ni Tintin Berino

Nagliwanag sa kalangitan Miyerkules ng gabi ang ikatlo at huling supermoon ng 2019 na tinatawag na ‘worm moon’.

Ang celestial event na ito ay kasabay ng nagaganap vernal equinox kung saan ang araw ay direktang sisikat sa equator.

Ayon sa PAGASA, makikita ng mga Pinoy ang full phase ng supermoon alas-9:43 ng umaga ng Huwebes.

Wala ring magiging balakid para makita ang supermoon dahil sa magandang panahon ayon sa PAGASA.

Noong Enero, natunghayan ang unang supermoon na tinawag na ‘super blood wolf moon’ at sinundan ng ‘super snow moon’ noong Pebrero na siyang pinakamalaki at pinakamaliwanag sa tatlo.

Read more...