Ito ay dahil ngayong araw ng Huwebes, March 21 ay nagaganap ang vernal equinox.
Ang vernal equinox o spring equinox ay isang celestial phenomenon kung saan ang araw ay direktang sumisikat sa equator.
Dahil dito, may kaparehong haba ang araw at gabi sa kaparehong latitude sa magkabilang hemispheres ng mundo.
Ayon sa PAGASA ang vernal equinox ay hudyat na ng pagsisimula ng spring sa northern hemisphere na kinabibilangan ng Pilipinas habang autumn naman sa southern hemisphere.
Kadalasang mas maagang sumisikat ang araw sa panahon ng vernal equinox.
Matapos ang equinox, ang mundo ay patuloy na tumatagilid at ang hemispheres na nakatapat sa araw ay mayroong mas mahabang daytime habang ang hemisphere na hindi nakatapat sa araw ay may mas mahabang gabi.
Mayroong dalawang equinox sa kabuuan ng taon, bukod sa vernal exquinox ay mayroon ding autumnal equinox na kadalasang nagaganap sa buwan ng Setyembre.