PBA: Magnolia lumaki ang pag-asa sa playoffs matapos talunin ang NorthPort

Lumaki ang pag-asa ng Magnolia na makakuha ng playoffs matapos talunin ang NorthPort sa 2019 PBA Philippine Cup sa score na 103-90.

Matinding depensa ang ipinakita ng Hotshots sa second half ng laban kaya nalimita ang Batang Pier sa 31 points lamang.

Ayon kay Magnolia coach Chito Victolero, inasahan ng team ang kanilang depensa para matalo ang NorthPort.

Konsuwelo anya sa nakakapagod na laro ay nadagdagan ang kanilang pag-asa na magkaroon ng playoff sa ibang team.

Dahil naman sa double team kay Paul Lee, nagpakitang gilas ang teammate nitong si Rodney Brondial.

Matapos ang panalo ay nasa 4-5 na ang kartada ng Hotshots habang ang Batang Pier ay 2-6.

Read more...