M3.4 na lindol yumanig sa Negros Occidental

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Negros Occidental alas-10:51 Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 9 kilometro Hilagang-Kanluran ng Silay City.

May lalim itong 9 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Victorias City habang Instrumental Intensity III naman sa Bago City.

Samantala, naitala naman ang isang magnitude 3.7 na lindol sa layong 343 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani, Davao Occidental alas-10:29 ng gabi.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...