Sa kabila ng panganib na nakaamba, tumungo si Pope Francis sakay ng kaniyang open air vehicle sa PK5, Bangui sa Central Africa para puntahan ang mga Muslim doon na hindi makaalis sa kanilang kinaroroonan dahil sa mga armadong Christian militia fighters na nakapalibot sa lugar.
Pinuntahan ni Pope ang main mosque ng siyudad ng Bangui.
Pangunahing pakay ni Pope ang manawagan ng kapayapaan sa nasabing bansa kung saan may namamayagpag na hidwaan sa pagitan ng mga Kristyano at mga Muslim.
Iginiit ng Santo Papa na sa loob ng matagal na panahon, namuhay ng mapayapa ang mga Kristyano at mga Muslim, at umapela siya sa mga tao na talikuran na ang galit at karahasan sa ngalan ng Panginoon.
Pinasalamatan naman ng chief imam ng Mosque na si Tidiani Moussa Naibi si Pope sa kaniyang pagbisita na itinuring niyang isang malaking simbolo para sa kanilang lahat na naroon.
Ani Pope, dapat mamuhay ng mapayapa, sama-sama at magmahalan ang mga Kristyano at Muslim kahit pa magkaiba ang kanilang relihiyon.