SWS: Tiwala ng mga Pinoy sa US ‘very good;’ sa China ‘neutral’ naman

Nasa “very good” ang net trust rating ng mga Pilipino sa Estados Unidos pero “neutral” lamang sa China, batay sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey.

Lumabas sa resulta ng survey na inilabas ngayong Miyerkules, nasa +60 ang net trust rating ng mg Pinoy para sa US at -7 naman sa China.

Samantala, ang Japan at Australia ay parehong nagtala ng “good” net trust rating na nasa +34 at +31.

Ginawa ang survey mula December 16 hanggang 19, 2018 sa 1,440 respondents kung saan tig 360 ang tinannong  sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

Sinabihan ang mga respondents na i-rate ang pagtitiwala nila sa apat na bansa.

Read more...