Magnitude 3.1 na lindol naitala sa La Union

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa La Union, Miyerkules ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 24 kilometers Northwest ng Luna dakong 5:02 ng hapon.

May lalim itong 17 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...