Ito ang naging banta ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag hindi naselyuhan ang pederalismo.
Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Marikina City Miyerkules ng gabi, sinabi ng Pangulo na ito ang naging pahayag ni Misuari matapos ang pulong nila sa Malakanyang Martes ng gabi.
Bilang tugon, sinabi ng Pangulo kay Misuari na bumuo na lamang ng panel para pag-usapan ang pederalismo.
Hindi kasi aniya maaaring sekretong makipag-negosasyon ang pamahalaan sa MNLF.
Sa ganitong paraan aniya, mabibigyan ang taong bayan ng araw araw na update kung ano na ang status ng pag-uusap ng gobyerno at MNLF.
“Sabi ni misuari kagabi if you do not give it to me, let me be very honest. i will go to war…sabi ko i understand, so ganito na lang gawin natin let’s form a panel, because we have to inform the people, we do not negotiate secretly here, sabi ko para day to day they will be briefed kung ano outcome, how gusto mo maapply yung federal system sa gusto mo, gaya ba ng BOL o different type,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Nagkaroon ng pulong ang dalawa matapos bumalik ng bansa si Misuari mula sa pagdalo sa international conference sa Abu Dhabi at Morocco
Matatandaang ayaw ni Misuari ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa halip ay isinusulong nito ang pederalismo.