Ilang armas, bala narekober sa Kalinga

Narekober ng mga tropa ng pamahalaan ang ilang matataas na kalibre ng armas at pampasabog sa engkwentro sa Balbalan, Kalinga Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Col. Henry Doyaoen, commander ng 503rd Infantry Brigade, nagsasagawa ng foot patrol ang 50th Infantry Battalion at Citizen
Armed Force Geographical Unit o CAFGU volunteers sa Barangay Buaya at Mabaca nang biglang makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ang mga rebelde ay mula sa Alejo Cawilan Command na nag-ooperate sa Cordillera region.

Matapos ang 30 minutong bakbakan, nakuha ng militar ang dalawang granada, M-16 Armalite rifle, ilang bala at kagamitan at anti-government documents.

Sa ngayon, sinabi ni Doyaoen na patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation laban sa mga rebelde.

Read more...