LOOK: 326 establisimyento, pinayagang makapag-operate sa Boracay – DOT

Pinayagan ng gobyerno na makapag-operate ang nasa 326 na establisimyento sa Boracay.

Batay sa Facebook post ng Department of Tourism, umabot na sa kabuuang 11,943 ang accredited accommodation rooms sa lugar hanggang March 20.

Kabilang dito ang Fairways and Blue Water Resort, Savoy Hotel Boracay sa Barangay Yapak.

Kinakailangang magkaroon ng permit at clearance mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Environmen and Natural Resources (DENR) bago makapag-operate sa Boracay.

Matatandaang muling binuksan ang Boracay noong October 26, 2018 matapos ang isinagawang rehabilitasyon.

Read more...