R&B singer Daniel Caesar, magbabalik-Pilipinas para sa isang concert

Photo credit: Karpos Multimedia’s Instagram account

Muling bibisita sa Pilipinas si Canadian singer at songwriter Ashton Simmonds o mas kilala bilang Daniel Caesar.

Sa anunsiyo ng Karpos Multimedia, magkakaroon ng one-night concert ang Grammy-Award winning artist sa New Frontier Theater sa Quezon City sa July 23.

Eksklusibong mabibili ang ticket sa concert sa Ticketnet outlets at online sa ticket.com.ph simula sa March 23 ganap na alas 10:00 ng umaga.

Kilala ang R&B singer sa kaniyang kantang “Best Part” at “Get You.”

Matatandaang huling pumunta ng Pilipinas si Daniel para sa Wanderland Music Festival noong nakaraang taon.

Read more...