Ayon sa Bureau of Fire Protection – Quezon City, nagsimula ang sunog sa bahagi ng Block 5 ng Barangay Damayang Lagi bandang 1:27 ng hapon.
Itinaas ang sunog sa General Alarm dakong 2:45 ng hapon at tuluyang naapula bandang 5:12 ng hapon.
Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga kabahayan.
Malaking epekto rin ang malakas na hanging sa pagkalat ng apoy sa lugar.
Dahil dito, hindi bababa sa 700 pamilya ang naapektuhan ng sunog at tinatayang P2 milyon ang halaga ng pinsala sa lugar.
Pansamantalang nananatili ang mga apektadong residente sa isang parking lot malapit sa isang pribadong ospital.
Inabisuhan din ang mga motorista sa posibleng mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng De Los Santos Medical Center sa E. Rodriguez Sr. Avenue.
Patuloy pa ring inaalam ang pinagmulan ng sunog.