Negotiating peace panel ng pamahalaan, binuwag na

FB Photo / Jess Dureza

Dahil sa kabiguan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines (CPP) na isulong ang peace talks, nilusaw na ng Palasyo ng Malakanyang ang negotiating peace panel.

Base sa liham na ipinadala ng Office of the President, effective immediately ang termination ng government peace panel.

Dahil dito, terminated na ang serbisyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III bilang chief negotiatior ng pamahalaan.

Gayunman, mananatili pa rin si Bello sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Terminated na rin ang serbisyo ng mga miyembro ng peace panel na sina Antonio Arellano, Angela Librado Trinidad, Rene Sarmiento at Hernani Braganza.

Kaugnay nito, inaatasan ang mga personalidad na i-turn over ang lahat na hawak na mga papeles, dokumento at mga property sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na pinamumunuan ni Secretary Carlito Galvez Jr.

Matatandaang hindi natuloy ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF dahil sa hindi pagtalima ng rebeldeng grupo sa mga kondisyon na itinakda ng gobyerno.

Read more...