MWSS: Laiban dam project malabong matuloy

Photo: Valleybikes

Tiniyak ng Manila Waterworks Sewerage System (MWSS) na Malabo nang maituloy ang laiban dam sa tanay rizal sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong balitaan sa MalacaƱang, sinabi ni MWSS administrator Reynaldo Velasco na aabot kasi sa apat na libong pamilya ang maapektuhan kapag ituloy ang naturang proyekto.

Ayon kay Velasco, bahala na ang susunod na administrasyon na magpasya kung itutuloy o hindi ang Laiban dam project.

May kapalit naman aniya ang administrasyon sa Laiban dam project nba matagal na ring nasa plano.

Base sa pagkakalaam ni Velasco, magkakapirmahan na ngayon ng memorandum of understanding ang mga negosyanteng sina Enrique Razon at Ayala group para umpisahan ang Wawa dam project na inaaasahang magsusuplay ng tubig ng 500 million litro kada araw para sa Manila Water Co.

Read more...