Sapat na suplay ng tubig sa mga bukirin at kabahayan sa CDO tiniyak
Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Cagayan De Oro City na may sapat na suplay ng tubig ang mga bukid at bahay sa lungsod.
Ito sa gitna ng kakapusan sa suplay ng tubig sa malaking bahagi ng bansa dulot ng El Niño.
Sinabi ng Cagayan De Oro City Water District (COWD) na inatasan sila ng lokal na pamahalaan ng lungsod na paghandaan ang mga ganitong uri ng problema.
Sa kanyang ulat sa kay CDO Mayor Oscar Moreno, sinabi ni COWD General Manager Bienvenido V. Batar, Jr. mataas ang lebel sa lahat ng kanilang water sources kabilang na ang Bubunawan River.
Tuloy rin ang 40 million liters daily (MLD) augmentation ng tubig ng COWD Cagayan De Oro Bulkwater, Inc. (COBI) kaya walang naitatalang kakapusan sa suplay ng tubig sa Silangang bahagi ng lungsod.
Samantala, ipinag-utos na rin ng lokal na pamahalaan ng Cagayan De Oro City ang pagsasa-ayos sa lahat ng mga tagas sa mga tubo ng COWD para sa mas maayos na suplay ng tubig sa lungsod.
Nakalatag na rin ang plano para sa nine kilometer pipeline at Camaman-an Reservoir retrofitting and waterproofing project na nagkakahalaga ng P251 Million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.