Partikular na hinihingi ni Atienza ang resignation nina Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Reynaldo Velasco at Manila Water CEO Ferdinand Dela Cruz.
Ayon sa kongresista, dapat itigil ng mga opisyal ang pagpapaliwanag gamit ang statistics dahil malinaw na palpak ang performance nila at hindi ito naiintindihan ng publiko maliban sa kawalan ng tumutulong tubig sa gripo.
Hindi rin aniya tama na nagkukulang sa suplay ng tubig ang bansa gayong mula sa 144 billion cubic meters ng tubig ay nasa 24 hanggang 25 billion cubic meters lang ang nagagamit.
Paliwanag pa ni Atienza, tila patagal nang patagal ang deadline na hinihiling ng water concessionaires para sa pagtatayo ng treatment plant dahil noong 2008 pa ay nangako silang tatapusin ang pasilidad sa loob ng anim na taon at ngayon nama’y sa taong 2037 na.
Samantala, tinawag naman niyang wallflower sa gobyerno ang MWSS matapos na hayaang i-hostage ng concessionaires ang serbisyo sa pagsasabing hindi sila magbibigay ng suplay ng tubig kung hindi palalawigin ang kanilang prangkisa.