
Nagawa ng NBI na makuha pa ang laman ng cellphone kahit sinira ito ng suspek.
Ayon sa NBI-7, may nakita silang mga pornographic material gaya ng videos at mga larawan sa naturang cellphone.
Sa ulat ng Cebu Daily News, nagsasagawa na rin ng DNA examination ang NBI-7 sa damit na isiunot ng suspek para makakuha ng dagdag pang ebidensya laban dito.
Ang NBI ang lead investigating team sa kaso ng karumal-dumal na pagpatay sa 16 anyos na si Silawan.
MOST READ
LATEST STORIES