Narcolist na naglalaman ng pangalan ng mga hukom at piskal inihahanda na ng PDEA

Mayroon ding listahan ng mga hukom at piskal na sangkot sa illegal na droga ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na inuumpisahan na nila ang narcolist laman naman ang pangalan ng mga judge at piskal.

Dismayado ang PDEA sa mga nababasura na kasong kanilang isinasampa kahit malinaw naman at matitibay ang kanilang ebidensya.

Lagi aniyang dinadaan sa technicalities ang ang mga kaso ng PDEA, pero ani Aquino, ginagawan na lang ito ng istorya ng mga hukom.

Malakas aniya ang loob ng mga dayuhang sangkot sa ilegal na droga na mag-operate sa bansa.

Ito ay dahil sa maliban sa walang death penalty ay nababayaran pa nila ang mga hukom at piskal at makababalik pa sila ng ligtas sa kanilang bansa.

Sinabi ni Aquino na ito ang dahilan kaya dapat talaga ay mayroong parusang bitay laban sa mga drug smuggler.

Read more...