Kasunod ito ng pagdedeklara nito ng kandidatura sa pagka-pangulo sa 2016 sa ilalim ng partidong PDP-Laban.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na responsibilidad ng bawat kandidato na iprisinta ang kani-kanilang plataporma.
Aniya, dapat maghanap ang publiko ng higit pa mula sa mga kandidato maliban sa mga makukulay na ‘soundbytes’ o matatamis o matatapang na pananalita.
Aniya, ang dapat na sabihin ng mga presidentiables ay kung ano ang maiaalok ng mga ito sa sambayanang Pilipino.
Si Duterte ay nagpasya nang maghain ng kanyang kandidatura upang tumakbo bilang Pangulo sa 2016 elections.
Kahapon, opisyal nang inanunsyo ang tambalan nina Mayor Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano.