Mga opisyal ng MWSS, nanganganib masibak; kontrata ng Manila Water at Maynilad posibleng iterminate ni Pang. Duterte

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na may sisibakin siyang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kapag hindi ito nakuntento sa paliwanag sa pagkawala ng suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na bayan sa Rizal.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw ang mensahe ng pangulo sa mga opisyal na mag-shape up o ship out kapag hindi naayos ang problema sa suplay ng tubig.

“The Chief Executive told them he was not going to listen to their explanation as to why there was a water shortage as such would be just plain excuses. They simply did not do their job. “All they care about is get profit from the water of the people” and to their sufferance as well. The President told them they could have simply anticipated such shortage and could have done something about it. They had to wait for him to threaten them with personally rushing to Manila from Davao to grapple with the crisis before they moved to end it. The Chief Executive bluntly told them to “shape up or ship out!,” ayon kay Panelo.

Inatasan ng pangulo ang mga opisyal na magsumite ng report bago mag-April 7.

Pag-aaralan aniya ng pangulo ang report at kapag hindi ito nakuntento ay maaring i-terminate ang kontrata ng mga water concessionaires.

Ayon kay Panelo, mistulang presidential monologue ang meeting kagabi ng pangulo sa MWSS, Maynilad at Manila Water na umabot ng 40-minuto.

Hindi aniya binigyan ng pagkakataon ng pangulo na makapagsalita ang mga taga MWSS, Maynilad at Manila Water dahil tiyak na magdadahilan at magpapalusot lamang ang mga ito.

Sinabon aniya ng pangulo ang mga opisyal at ipinamukha sa mga ito na hindi nila ginawa ang kanilang trabaho at ang pakialam lang ay ang kikitain nila mula sa mga tao.

“The meeting which was more of a presidential monologue lasting for about forty minutes abruptly ended by the President ordering the officials to submit a report on the water shortage before April 7, after which he will decide whether heads will roll or whether the contracts of the concessionaires will be terminated,” dagdag pa ni Panelo.

Ayon kay Panelo, dapat na alam na ng mga opisyal na may mangyayaring problema sa tubig kung kaya dapat ay maaga pa lamang ay nakapaglatag na sana ng solusyon para hindi na humantong sa kawalan ng suplay ng tubig.

Hinintay pa aniya ng mga opisyal na bantaan silang susugurin niya mula Davao bago pa sila nagpakawala ng tubig sa mga apektadong residente noong Biyernes.

Read more...