SP Tito Sotto hindi na interesadong makipag-usap sa Kamara kaugnay sa national budget

Mistulang isinara na ni Senate President Vicente Sotto III ang pinto sa pamunuan ng Mababang Kapulungan para muling magkaroon ng pag-uusap hinggil sa nabibitin P3.75 trillion 2019 national budget.

Ayon kay Sotto, hinihintay na lang nila ang pinal na desisyon ng Kamara at sila naman aniya sa Senado ay matagal ng nagdesisyon at ito ay hindi tanggapin ang kinalikot pang pambansang pondo para ngayon taon.

Noong nakaraang linggo, nagpatawag si Pangulong Duterte ng pulong sa Malakanyang para maayos ang isyu ukol sa pambansang pondo ngunit wala rin nangyari.

Hindi rin nangyari ang sinabi ni San Juan Rep. Ronaldo Zamora kay Sen. Ping Lacson na handa silang bawiin sa Kamara ang ‘enrolled bill’ ukol sa ‘itemized 2019 national budget.’

Ibinahagi pa ni Sotto na patuloy silang nakakatanggap ng reklamo mula sa ilang miyembro ng Kamara kaugnay sa pagkalikot pa ng kanilang budget.

Read more...