WATCH: Official Trailer ng Toy Story 4 inilabas na

Inilabas na ng Disney Pixar ang official trailer ng Toy Story 4.

Sa June 21 mapapanood ang bagong sequel ng Toy Story.

Tampok sa bagong Toy Story ang bagong bata na si “Bonnie” na siyang nagmamay-ari na kina Woody, Buz Lightyear at iba pa, matapos na magbinata na si “Andy”.

Sa Toy Story 4 isang bagong laruan ang ginawa ni Bonnie at pinangalanan niya itong “Forky”.

Dahil hindi matanggap na “Forky” na siya ay isa nang laruan, aalis ito, at hahanapin ni Woody.

Kapwa mawawala sina Woody at Porky at hahanapin sila ng mga kaibigang laruan.

Read more...