Drug suspect patay sa engkwentro sa Cabuyao, Laguna

Police banner
Nauwi sa engkwentro ang buy bust operation na ikinasa ng mga pulis sa Cabuyao, Laguna alas-2:30 ng madaling araw ng Miyerkules.

Sa impormasyon mula sa Cabuyao Police, kinilala ang suspek na si Cesar Hilaga.

Naramdaman umano ni Hilaga na pulis ang kanyang mga katransaksyon dahilan para ilabas nito ang kanyang baril at paputakan ito.

Gayuman, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Dinala pa sa Ospital ng Cabuyao si Hilaga pero idineklara ring dead on arrival.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang kalibre .38 na baril, basyo ng mga bala, P500 buy bust money, at anim na plastic sachet ng hinhinalang shabu.

Read more...