M4.5 na lindol yumanig sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar alas-1:39 Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 61 kilometro Timog-Silangan ng Guiuan.

May lalim ang pagyanig na 15 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ito ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...