Bus Terminal sa Maynila pinasok ng 2 akyat-bahay; cellphone tinangay

Contributed photo

Arestado ang dalawang miyembro ng akyat-bahay gang makaraang magnakaw ng cellphone sa isang bus terminal sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Genesis Santos at John Nicolas Sayson na pumasok sa Ohayami Bus Terminal.

Nabiktima nila si Raymark Timaot kung saan nakuhaan pa ng CCTV ang pagnanakaw ni Santos.

Nangyari ang insidente noon pang Lunes pero bumalik ang mga suspek sa terminal Martes ng gabi kaya naaresto ang mga ito.

Samantala, umamin ang mga suspek na ang pinagbebentahan nila ng mga ninanakaw ay para ipambili ng marijuana at ipanglaro sa computer.

Mahaharap sa kasong robbery ang mga suspek habang ayroon pang apat na pinaghahanap ang mga pulis na kanilang kagrupo.

Read more...