Pope Francis, tinanggihan ang resignation ng French Cardinal kaugnay ng sex abuse case

Vatican Press Office photo

Tinanggihan ni Pope Francis ang pagbibitiw sa pwesto ni French Cardinal Philippe Barbarin na hinatulang guilty dahil sa pagtatakip sa kaso ng sexual abuse sa nasakupan nitong diocese.

Matapos ang hatol ng korte na anim na buwang suspensyon dahil sa cover-up, nakipagkita si Barbarin sa Santo Papa at personal na nag-abot ng resignation letter pero hindi ito tinanggap ni Pope Francis.

Ayon sa Archdiocese of Lyon, nag-invoke ang Papa ng “presumption of innocence” sa pagtanggi sa pagbibitiw ng Cardinal.

Sinabi naman ni Barbarin na pinayuhan siya ng Santo Papa na gawin ang sa tingin niya ay mabuti sa archdiocese.

Umapela na ang abogado ng cardinal sa korte sa France.

Hinatulan ang cardinal sa pagtatakip sa pag-abuso ni Father Bernard Preynat sa Saint-Luc Parish noong 1970s hanggang 1980s.

Bagamat noong 2002 lamang namuno si Barbarin sa archdiocese, sinasabi na alam na nito ang pag-abuso noon pang 2010.

Noong 2015 ay sinuspinde ni Barbarin si Preynat at makalipas ang 1 taon ay kinasuhan ng abuse at rape ang pari at naghihintay ng paglilitis.

Read more...