PRC nakapagbigay ng 1 milyong litro ng tubig sa mga ospital at mga komunidad

Phil. Red Cross photo

Nakapagsuplay ng higit 1 milyong litro ng tubig ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga ospital at mga komunidad na naapektuhan ng water shortage sa Metro Manila.

Sa datos na ibinahagi ng PRC, sa loob lamang ng limang araw ay nagawa umano nilang makapagbigay ng kabuuang 1,033,000 liters ng tubig sa 43,000 katao sa mga ospital at komunidad.

Kabilang sa mga ospital na sinerbisyuhan ng humanitarian body ay ang Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Mandaluyong City Medical Center, ay the National Center for Mental Health.

Nagbibigay din ng tubig ang PRC sa mga residente ng Barangay Old Balara at Barangay Culiat sa Quezon City; Barangay Tumana at Barangay Nangka sa Marikina at Barangay Highway Hills sa Mandaluyong.

Ayon kay PRC Chairman Sen. Richard Gordon, inunang iprayoridad ang mga ospital upang hindi maantala ang mga serbisyong medikal.

Sa ngayon ay gumanda na umano ang kondisyon sa mga ospital na apektado ng water crisis ngunit mananatili silang nakastandby dahil posibleng magtagal ang problema hanggang sa Hunyo.

Hinimok naman ang publiko na ayusin ang paraan ng pag-imbak ng tubig.

Nanawagan naman ang PRC sa mga mamamayan na magbigay ng donasyon para suportahan ang ginagawang pagresponde sa water crisis.

Ang mga donasyon ay maaaring ideposito sa:

Banco De Oro

Account name: Philippine Red Cross

Peso account: 00-4530190938

Dollar account: 10-453-0039482

Swift code: BNORPHMM

Metrobank

Account name: Philippine Red Cross

Peso account: 151-7-15152434-2

Dollar account: 151-2-15100218-2

Swift code: MBTCPHMM

Landbank of the Philippines

Account name: Philippine Red Cross

Account number: 0561-095817

Para sa karagdagang impormasyon, pwedeng kontakin si Rizza Genil sa (02) 790-2410 o Shervi Corpuz sa (02) 790-2413 o +639178348378.

Read more...