Sinabi ng PNP Highway Patrol Group na ang pagpasok ng kapaskuhan ang dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ipinunto ni PNP-HPG Director Chief Supt. Arnold Gunnacao na marami sa ating mga kababayan na nagmumula sa kalapit na mga lalawigan ang nagtitiyaga talagang lumuwas sa Metro Manila para sa kanilang christmas shopping.
Aniya marami rin ang mga negosyante sa probinsiya na nagtutungo sa Metro Manila para makamura ng mga bibilhin nilang paninda.
Kayat ang payo niya sa ating mga kababayan na magbaon din ng madaming pasensiya kapag bibiyahe sa kalakhang Maynila.
Samantala, simula bukas ay magpapatupad na ng bagong mall hours ang maraming shopping malls sa kahabaan ng EDSA.
Layunin ng time adjustment na maibsan ang saby-sabay na labas ng mga sasakyan sa EDSA at ilang major roads sa Metro Manila. Karamihan sa mga malls ay magbubukas ng 10am at magsasara ng 11pm.